Sunday, June 21, 2009

It's ME and the DEGREE

(This Post is not suited for those readers na ayaw makarinig/makabasa ng badwords. To those readers na masyadong mabait. Sa mga ubod ng linis na tao, please, BAWAL BASAHIN 'TO!!!)

***

After a year. Finally, balik na 'ko sa pagiging estudyante. Ulirang estudyante. Hah:)) Matapos ang isang taon ng paghihintay, pagbabakasakali at pakikipagbuno sa iba't ibang uri, klase, species, clan, at kung anu-ano pang problema, heto, COLLEGE NA PO AKO! Sa wakas. Maraming salamat Kuya.

Ok. So una, naka sched ang pasukan on June 09. At dahil sa pesteng A(H1N1) na sakit. Oo. Naurong ang pasukan. Na ikinatuwa at ikinalungkot ko in the same time. Naurong ng June 15. Ok lang, isang lingo lang. Nadadagdagan ang excitement ko kada araw na natatapos papalapit sa pasukan. Siyempre, sinong aso ba naman ang hindi kakawag ang buntot pag nakakita ng butong isang taon nyang pinaglawayan, diba?!

Excited ako. Oo. Seryoso. Tangina. Ewan ko kung bakit. Siguro kasi alam ng utak ko na ibang mundo yung papasukin ko. Ibang ambiance at ibang daan ang tatahakin ko. At alam kong dito masusukat kung gaano ako kadetermined. Kung gaano ako kapursigido. At kung gaano ako kagago. Haha.

Dumating ang huling biyernes ng buhay prinsipe. Biglang nagkayayaan kaming magpipinsan (Me, Jerome, Jhem and Ate Apol) na magpatumba ng mga bote ng alak bago kami pumasok officially sa impyerno. Impyernong magdadala samin sa langit. Hahaha. Kinabukasan, Sabado. Naganap ang dapat maganap. Umaatikabong inuman, kwentuhan, biruan, gaguhan, tawanan, barahan at kung anu-ano pa. Ang saya.

Linggo. Shet. Last day para magbulakbol. Saan ako pupunta? Anong gagawin ko? Hala. Pero dahil sa hampaslupa nga ako, wala. Walang nangyari nung linggo. Nasa bahay lang ako buong araw at nasa harap naman ako ng PC buong madaling araw. Umaga na ko natulog nun, dala na nga ng excitement at pondo ng tulog, 7am na ko tuluyang nawalan ng malay.

PUTANGINA, FIRST DAY!!!
4:30pm - 9:00pm ang sched ko. At dahil nga oa ako. 1 palang naligo na 'ko. Nag-isip kung maguuniform o jajaporms ng maige. Japorms siyempre, 1st day e. Kailangan maramdaman nila yung aura ko pagpasok. Hehe. Joke lang. 'Di ako masyadong umepal pagdating sa damit. Poloshirt, jeans at rubber shoes. Ayos ng buhok, pabango. Ok na. "Ay shet, 3:00 na, alis na ko..". Ang oa diba? Hehe. Kasi, oa din traffic sa daan kaya maaga talaga ko at HINDI NA KO NALALATE! EXCUSE ME! Hahaha.. 4:10, nasa school na ko. Kinabahan ako ng matindi. Una, wala akong nakikitang kakilala. Lumapit ako sa gate. inilabas ko ang ID ko (na sabi ni Ronald e parang ID daw ng highschool). Tinitigan ako ni manong guard na para bang may halong duda at kaunting pagnanasa (joke!). Sabay tanong na "Sir, san ho punta nyo?..". Putang inang guard 'to. Bobo. Inutil. Sabi ko na eh, hindi ko makakasundo ang mga guard sa school na 'yon. Binata, naka-ID, naka backpack. San ang punta??!!! Gusto ko sanang sagutin e, "Magmo-malling, pwede?!". Hahaha. Pero dahil nga sa mabait ako, ginalang ko padin ang uniporme nya. "Papasok ho", magalang 'kong tugon. "Yuniporm ka na bukas ha, bawal na yan, winsdi ang was de" magalang din nyang sagot. Ok. So pumasok na ko.

"Tangina, san ba 'tong building na 'to? Shit, baka maligaw ako, teka, hinga malalim..". Yan ang mga katagang paulit-ulit na sinisigaw ng utak ko pagpasok ko sa campus. Ang daming tao. Crowded. Maingay. Mainit. At punum-puno ng estudyanteng pagala-gala at tuwang-tuwa sa pagpapa-cute. May grupo ng freshmen akong nakasabay sa paglalakad. Kulay yellow ang Id lace. Pareho sakin. Kaklase ko malamang. Sinundan ko sila ng patago, siyempre, nakakahiya naman. Ang pogi mo nga, bobo ka naman. Hahaha. Ayun naman pala. Heh:)). Bungad lang pala yung building namin. Mabuti naman. Pumasok ako ng OB-309, abaaaa. May mga tao na. Busy sa pakikipagkapwa-tao. Hanep, bonding agad, tangina, persday palang, friendsters na sila. Ayon, pawisan at duguan akong umupo sa pinakalikod katabi ng mga lalaking DOTA ang usapang pumapatay sa oras. Tahimik ako. Kulang nalang tunog ng kuliglig. 'Di ako maka bwelo sa pakikipagfriends. Inobserbahan ko muna sila. Kung pano manamit, gumalaw, magsalita, at kumanta (joke ulit). Ok, malapit ng mag 5:30 pero wala paring Professor na dumadating. WALANG FIRST SUBJECT! Yessss!!! Bumaba muna ko at lumabas para maka-isa atsaka bumalik para sa 2nd subject. Ok naman. Mahina lang yung boses nung mga prof kaya mejo masakit sa ulo, kahit na nagpapakilala lang sila, feeling ko tuloy bumubuo ako ng infrastracture ng building sa sakit ng ulo. Last subject, MATH 1. No comment. Anak ng Puta.

9:00 pm. Ay shet, uwian na. Buo na sana ang kaligayahan ko ng araw na yun, kasi nga, naging maayos naman ang 1st day of school, hanggang sa paguwi. Pero tinikom ng isang pangyayari ang hanggang tengang ngiti ko.

Punuan sa jeep.
Maraming Pasahero.
Maraming kasabay mag-abang.
30mins. bago ako nakasakay.
Pero hindi ako nakaupo.
SUMABIT AKO.
Ok lang nung una.
Hanggang sa tumingin ako sa langit.
WALA ANG MGA STARS!
MALAKAS ANG HANGIN.

Wala pang isang kilometro ang tinatakbo ng jeep
Wala akong dalang pangsalba.
Isang patak.
Dalawa.
Apat, Lima, Ayan na!

PUTANGINAAAA!! TRAFFIC PA!!!

(...itutuloy)

Wednesday, April 22, 2009

rainy, rainy thursday..ü

Well, well, well. I've been trying to conceptualize an article this past few boring months about something pero wala akong mabuo. Hahaha. So, out of boredom, post nalang akong isa pang non-sense at korni na entry. So listen up and read..ü

oOo

> NAALALA. Naalala ko, nakwento ko na pala yung tungkol sa PBB auditon no? Enough of that, eto nalang. Syempre, kung normal kang tao, alam mo na may Holy Week every year? At kung normal kang tao, nagbabasa ka ng mga post kong korni kahit once a month, diba? At kung nagbabasa ka ng mga post kong korni, alam mo na sumasali ako sa cenakulo every year? hahaha.. tama na nga. So yun nga, nag held ulit ang SAMAHANG BAGONG SILANG ng cenakulo, and I am part of it once again. I cannot detail all things kasi yun ung article na matagal ko ng gustong buoin, ang tungkol sa cenakulo, ANYWAYS, ang play date namin ay nung 9th hanggang 11th ng April, and as usuall, it was so good, i mean, it feels so good pag nakakalabas ako tuwing Holy Week. Una, nagkakaron ako ng dahilan para makaalis, hehe. Nababawasan ang kasalanan ko in my own way, haha. At nabawasa ng 50% ang pagka boring ng buhay ko. At ang pinakamsayang parte ng pagiging SBS, ay ang walang humpay na pagkukulitan! Hahaha.. Alam na nila kung anong klaseng "pagkukulitan" ang tinutukoy ko, hehe.. So hanggang dito muna ang tungkol sa cenakulo, all of a sudden, may article na ko tungkol don.. ü



Heavy Drama..

ETO PA ISA..ü

>SUMMER. Summer. walang kakwekwentang summer. This was probably the most booooring summer in my entire human life. Wala kong napuntahan! Grr.. Well, siguro dala na din ng global economic crisis, kaya wala kaming napuntahan this summer. Pero last feb, nagpunta kami ng ILOCOS!=) That place was so good. It was so fresh, cooooll, kahit tirik ang araw. Lalo na ung mga tourists spot (ata un) na napuntahan namin, imonna share some photos with you guys, at isa pa 'to sa magandang topic na gusto kong ishare sainyo some other time, hehe..Ü

This is what i call, ILOCOS ESCAPADE..



more pics of this, coming soon..:)

>ACTUALLY. Actually, nablanko nanaman ako. Kasi umikot sa cenakulo ang buong month of March kaya wala akong maishare..:)


>NGAYON. Ngayon ay kokonti ang tao sa bahay. Particularly, si Kuya, si Dada, Justin, Julia, Te Karen at si Gabby lang ang kasama ko ngayon. At wala akong kausap kundi ang monitor. Oo, kinakausap ko ang monitor ng pc namen baket?!


Saturday, March 14, 2009

> A Housemate Wannabe Ü

Are you familiar with a deep-low toned voice saying..

"Housemates.."
Nahh.. i know you are. Yes, si Kuya ng Pinoy Big Brother. Ang taong 2 beses ko ng binalak makasama sa iisang bahay.
Last February 27, '09, nagheld ng auditions for PBB Teen Edition Season 3. As we all know, isa talaga 'to sa goal ko, pero being rejected dun sa season 2, nagdalawang isip ako mag audition. Hindi na ko 'sing ganado tulad nung una, dahil narin sa issue ng palakasan na nakita ko talaga. Kaya hindi ko narin tinuloy.
Dumating ang Feb 27, nakibalita nalang ako sa t.v kung anong status ng audition. Nalaman kong over 20,000 ang pumila, na muntik ng mag cause ng panibagong stampede. HINDI NATULOY ANG AUDITION! Isa lang ang pumasok sa makitid kong kukote, ako ang hinihintay nila. Hahahahaha..
Pero there are some rules na in-adjust for safety reasons. Kailangan mag register ng mga auditioners via text, magrereply ang ABS-CBN for date, time and venue of audition. Syempre nag register na ko. Nagreply sila after 3 days saying my audition date will be on March 13, 7:00am at PBB Eviction Hall at Mother Ignacia. This time, hindi tulad ng dati na halos hindi na ko lumabas ng bahay para lang wag magasgasan ang muka ko, hindi ko na masyadong pinaghandaan. Hindi ako nag pagupit ng buhok, nag swimming ako at nagpaitim ng todo. Hindi na rin ako nag expect at mahirap mafrustrate. Mas madali ang audition ngayon dahil NO REQUIREMENTS NEEDED. Hehe..Ü
AYAN NAAA!!!
March 13 na! Maaga akong gumising, 3:00am. Kumain, naligo, nagbihis, umalis. Maaga akong dumating dun, 6:30, haha. Pag dating ko dun, may mga nakapila na, although hindi gaanong mahaba ang pila. Siguro nasa 200 pa lang yung nakapila for 7am sched. Pang 253 ako. Hehe. Bago pumasok sa pila, may initial interview muna ng mga bouncer, pakita ang text from abs, isang valid i.d. Yun na. Nakapila na ko.
Mejo presko pa nung nakapila ako. Wala pa ang pesteng araw. Mabilis ang proseso na nangyari. by 8:30am, nasa loob na ko ng hall. 9am, sakto, sumalang na ako. Tsaka ko na idedetalye kung ano ang mga pinagsasabi ko nung mga oras na yun, haha. siguro 2 minutes lang yung itinagal ko sa loob ng audition room, ganun kabilis. After that stint, pinapila kami sa labas, 15 kameng sabay-sabay na ininterview. At eto na, laking tuwa ko nung marinig ko sa baklang staff na yun na out of 15, napili ako para sa 2nd screening! Wooohh. Sana magtuloy-tuloy.
Pinabalik ako ng 3pm para sa 2nd screening. Umuwi muna ako, naglunch, nagpahinga, nag dasal. 3pm, nasa loob na ulit ako ng hall at inaantok na naghihintay. Halos 1 hour din ang hinintay namin para sa 2nd screening, 1st batch ako along with 9 more hopefulls ang sumalang. Si Direk Laurenti Dyogi na ang kaharap namin. Nakakkaba. Bonggang kaba.
tanong, tanong, tanong.
sagot, sagot, sagot.
SHOOT! Pasok nanaman! Sabi ko answered prayer. pasado ako sa 2nd screening. Woohh. Mas natuwa ako, at mas kinabahan. Dumating sa puntong nagimagine nanaman ako ng kung ano-ano. Siguro after an hour again, dumating ang 3rd screening. 6 nalang kami per batch. Pakonti na ng pakonti. Nagiging detalyado na yung pagtatanong ni direk. Na nagdulot ng panibagong kaba.
tanong, tanong, tanong.
sagot, sagot, sagot.
Pila ulit sa labas. Pina suspense pa ni ate yung pagsasabi ng results.
Bumagsak ang lakas ng loob ko nung sabihing hindi na ko nakasama para sa 4th screening.. :(
Nabura yung mga imaginations ko, nawala ang kaba ko. Pinilit kong hindi malungkot. Kasi at least, nakaabot ako ng 3rd screening na hindi nagawa ng iba. Pinilit kong maging ok at open minded na sa mga gantong klase ng contest, diba nga, may nananalo, meron din syempreng natatalo. Binalita ko kaagad sa lahat ng umaasa ang mga naganap, at bumuhos ang texts na nagsasabing "ok lang yan... di bale, next time..". Maluwag sa loob kong tinanggap na hindi pa para sa akin ang pagiging housemate. Ayokong isipin na napolitiko nanaman, ayoko, kasi kahit papano umasa 'rin ako. No regrets at all. Kasi unang-una, nag-enjoy ako sa experience, kahit na 2 beses ko ng ginawa yun. Masyado pang maaga para mawalan ng pag-asa. Marami pang dadating jan na talgang kung para sakin, ibibigay ni Almighty sakin. Kung malaki ang tiwala ko sa sarili ko, 10x ang tiwala ko kay Almighty.
Kaya para sa mga napili, at mapipili, galingan niyo! Mga lintik kayo, nakatsamba lang kayo! Hahahahaha.. Hindi ako bitter. More on optimistic. Hehehe..
Hindi ko dapat istock yung sarili ko sa pagiging malungkot at sa panghihinayang na hindi ako pinalad. DI BA?!=)
Salamat! Salamt ng Marami..Ü